Noong pumili ako ng bagong sim card para sa aking basic phone, bumili ako ng TnT SIM dahil sa past experience ko ay sulit talaga ng mga text promos sa TnT kung ihahambing ko sa Globe at Smart.
Para sa mga mahilig gumamit ng Facebook Messenger dahil sa Free Data na feature ng ating mga higanteng ISP, baka gusto niyong magdahan-dahan muna. May promo ang TNT (Talk ‘n Text) na baka gusto niyong tingnan.
UAT15
Ang UAT15 ay isang promo ng TnT na nagbibigay ng:
- 3 araw na:
- Unlitext to All Networks
- 1 oras na tawag sa TriNet (Smart/Sun/TnT) subscribers
Bakit ba naman ako gagamit ng UAT15?
Mas makakatipid ka sa iyong battery, lalo na kung gumagamit ka ng Android or iOS.
‘yan lang ang aking pro – LOL
May alternative ba sa UAT15 na mas matagal?
Sa ngayon, ang alternative mo ay ang Panalo150 promo, pero available lang ito sa selected areas, commonly sa Luzon at Visayas. Hindi ako makakasabi sa ibang lugar dahil hindi ko naman kayang lumipad sa ibang lugar para lang makipagload.